Inihayag ng Philippine Navy (PN) na anim sa mga barko nito ang matagumpay na nagsagawa ng third quarter gun test firing at capability demonstration.
Sinabi ng PN na ang BRP General Mariano Alvarez (PS-38), BRP Nestor Acero (PG-901), BRP Domingo Deluana (PG-905), BRP Florencio Iñigo (PC-393) at ang 1st Boat Attack BA-485 at BA-487 ng Division ay lumahok sa drill sa Basilan.
Idinagdag nito na ang mga barko ay naka-deploy sa Naval Forces Western Mindanao at naganap ang firing exercise sa five nautical miles na bahagi ng Southeast ng Dasalan Island, Basilan.
Kasama sa demonstrasyon ang mga live-gunnery exercises, swarming tactics at coordinated maneuvers, na naglalayong suriin ang pagganap ng naval weaponry at ang pangkalahatang kakayahan sa pagpapatakbo ng mga kalahok na sasakyang pandagat.
Idinagdag nito na ang mga maneuvers ay naglalayong suriin at tiyakin ang operability, accuracy at effective operation ng lahat ng naval combat system, kabilang ang mga kasanayan ng gun crew at fire control operator sakay ng PN vessels.