Arestado ang anim na Pilipino at dalawang Chinese kidnappers sa isinagawang operasyon ng PNP Anti-Kidnappiing Group (AKG) sa magkakahiwalay na operasyon.
Kinilala ni PNP spokesperson Lt. Col. Elmer Cereno ang anim na Pilipinong suspek na naaresto sa operasyon sa Cavite at Pasay City nitong nakalipas na Sabado na sina Reynaldo Parolina y Reyes, 41; Rico Castillo y PestaƱo, 45; Nathaniel Aragon y Ablao, 35; Christopher Bagro y Reyes, 38; at mga lider na grupo na sina Francis Reyes y Garcia, 41, at Melvin Culala y David, 39.
Tinukoy na mastermind umano ng grupo sina Francis Reyes na retired navy officer habang si Culala ang finance officer.
Naligtas sa naturang operasyon ang dalawang biktima ang magkaibigang sina Eugenio Santos, 39, isang grab driver, at Alvin Bangug y Babaran, 45, isang broker agent, na parehong dinukot para piliting bayaran ang pagkakautang nila sa isa sa mga suspek na si Culala.
Sa ikalawang operasyon naman nitong Miyerkules ng madaling araw sa Paranaque, naaresto ng AKG ang dalawang Chinese nationals na kinilalang sina Deng, Shiwu, 30, isang turista mula sa Jiangxi province, China, at si Ou, Jiamin, 28, isang turista mula sa Guangdong, China.
Sa naturang operasyon naligtas din ng PNP-AKG ang dalawang Chinese kidnap victims na sina Li Ning at Yang Yang, mga casino players sa Okada kung saan ikinulong ng mga suspek sa isang kwarto ng nasabing hotel para piliting umutang ng pera sa grupo matapos nilang maipatalo sa baccarat ang lahat ng kanilang chips.