-- Advertisements --

Nasa anim na kandidato sa pagkapresidente, tatlo sa pagka-bise presidente at 15 sa pagka-senador ang nag-file ng kanilang mga certificate of candidacy (COC) sa unang araw ng filing.

Nasa 18 naman ang naghain ng COC para sa partylist group.

Ang nauna nga kaninang naghain ng COC sa presidential race si Sen. Manny Pacquiao kasama ang kanyang vice presidential candidate na si Rep. Lito Atienza.

Sa mga tatakbong senador, ang mga kilalang personalidad ay kinabibilangan nina dating Sen. Loren Legarda na siyang nanguna sa paghahain ng COC sa pagkasenador, sumunod si dating Sen. Chiz Escudero at Sen. Risa Hontiveros.

Narito ang listahan ng mga national candidate na nag-file ng CoC:

For President

  1. Sen. Manny Pacquiao
  2. Dave Aguila
  3. Dr. Jose Montemayor
  4. Ley Ordenas
  5. Edmundo Rubi
  6. Laurencio Yulaga

For Vice President

  1. Lito Atienza
  2. Rochelle David
  3. Alexander Lague

For Senator

  1. Loren Legarda
  2. Francis Escudero
  3. Lutgardo Barbo
  4. Abner Afuang
  5. Bai Maylanie Esmael
  6. Norman Marquez
  7. Bertito del Mundo
  8. Sen. Risa Hontiveros
  9. Romeo Plasquita
  10. Samuel Sanchez
  11. Phil Delos Reyes
  12. Baldomero Falcone
  13. Ziegfred Delos Reyes
  14. Agnes Afable

Partylist

  1. Agap Partylist
  2. Kabayan Partylist
  3. An-Waray PL
  4. DIWA PL
  5. Pilipinas para sa Pinoy
  6. Alona
  7. TODA
  8. CANCER PL
  9. People’s Volunteer Against illegal Drugs (PVAID)
  10. Patriotic Coalition of Marginalized Nationals, INC (1-PACMAN)
  11. ACT-CIS
  12. MARINO
  13. Ako Tanod
  14. Ang Probinsyano
  15. PBA
  16. TURISMO ISULONG MO
  17. COOP-NATCCO
  18. WACCAA (WOMEN AND CHILD CRIME ABUSE ASSISTANCE)
comelec sofitel coc

Kabilang sa mga naghain ng COC para sa pagka-bise presidente si Alexander Lague, na nagpakilalang radio commentator.

Tumatakbo raw itong vice president para maresolba na ang problema sa kahirapan at masawata ang korapsiyon sa pamahalaan.

Isa namang nagpakilalang scientist na nagtapos daw sa Harvard University ang naghain ng COC ngayong araw sa katauhan ni Laurencio Jun Yulaga.

Naniniwala si Yulaga na kapag ang isang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient ay makuryente ng 12,000 volts ay puwede itong magamot at makarekober daw sa nakamamatay na virus.

Patuloy raw ang pakikipag-unganayan nito sa mga foreign consortiums para gamitin ang teknolohiya sa pamamagitan ng electrons para ma-eradicate ang kahirapan, makapagbibigay ito ng libreng edukasyon at murang elektrisidad.

Ipinanukala rin nito na puwede raw i-convert bilang perfume o pabango ang ihi ng mga lalaki habang ang mga ihi ng babae ay puwedeng gamiting fertilizer o pataba.

Dahil sa mga pahayag ng mga naghain ng COC, tiniyak naman ng Comelec na sasalain nila nang husto ang mga naghahain ng CoC.

Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez na dadaan sa masusing pagbusisi at pagsasala ang bawat kandidato na naghain ng kani-kanilang COC para matukoy kung sinu-sino sa kanila ang maituturing na nuisance candidate.

Kabilang na rito ang CoC ng umano’y Doktor at Abogado na si Jose Montemayor, maging ang dating miyembro ng Navy Seal na si Leysander Ordenas, Dave Aguila na mga independent Presidential Candidate.

Naging maayos naman ang unang araw ng filing ng CoC bagamat may ilang naghain na kailangang paalalahanan dahil hindi namintina ang social distancing.