-- Advertisements --

Nasa anim na pulis ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin ng mga armadong suspek sa coordinated attacks sa synagogue na isang Orthodox church at police post sa Dagestan province.

Kasamang nasawi dito ang isang pari at 12 iba ang sugatan sa pag-atake sa Derbent City at Makhachkala.

Sinunog pa ng mga suspek ang synagogue kung saan agad na inapula ito ng mga otoridad.

Napatay ng mga Russian authorities ang dalawa sa mga umatake.

Mabilis naman na tumakas ang mga armadong suspek habang inaalam ng mga otoridad ang kanilang pagkakakilanlan.