Nasa anim na regional wage boards na ang nakatanggap ng mga petisyon kaugnay sa hiling na pagtataas ng minimum wage dahil sa nararanasang mataas na presyo ng langis at iba pang mga bilihin.
Ayon kay DOLE Undersecretary Benjo Benavidez, dadaan anf naturang mga petisyon sa isang proseso kabilang na dito ang mga pagdinig at public consultations.
Sa ngayon hindi pa makakapagbigay si Benavidez ng eksaktong petsa kung kailan mailalabas ang desiyon ng regional boards dahil kailangan pang dumaan sa proseso ang mga petisyon base na rin sa mga panuntunan at regulasyon.
Pagtaya ng opisyal ng DOLE na posibleng lumabas sa buwan ng Mayo o sa Hunyo ang desisyon. Aniya ang ilang mga petisyon ay naihain na rin.
Maaalala na ipinag-utos ni LAbor Secretary Bello sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards sa buong bansa ang pag-review sa minimum wages.