-- Advertisements --
Kinasuhan ng US Justice Department ang anim na Russian military officers dahil pag-hack sa mga pangunahing kumpanya.
Gumagamit ang mga ito ng destructive malware para sirain ang ilang libong mga computer na nagdulot sa $1 billion na pagkalugi.
Kinabibilangan ang mga ito ng Russian Main Intelligence Directorate (GRU) isang military intelligence agency ng General Staff ng Armed Forces.
Ilan sa mga inatake nila ay ang Ukraine, Georgia at ang halalan sa France.
Nahaharap ang mga ito sa mga kasong : conspiracy to conduct computer fraud and abuse, conspiracy to commit wire fraud, wire fraud, damaging protected computers, at aggravated identity theft.
Isinagawa ang nasabing insidente mula November 2015 hanggang Oktubre 2019.