-- Advertisements --

Pinatawan ng European Union ang anim na senior offiicals ng Russia at ang chemical research center.

May kaugnayan ito sa tangkang paglason sa opposition lider na si Alexei Navalny.

Kabilang sa mga napatawan ng sanctions sina Federal Security Service (FSB) chief Alexander Bortnikov at dalawang deputy defence ministers.

Ang mga ito ay pagbabawalang makabiyahe at ang kanilang asset ay ipi-freeze.

Itinuro ni Navalny si Russian President Vladimir Putin na siyang nasa likod ng paglason na mariing pinabulaanan naman nito.

Magugunitang bigla na lamang nawalan ng malay si Navalny habang lulan ng eroplano matapos uminom ng tsaa na may laman na lason noong Agosto.