-- Advertisements --

Nilalapatan na ng lunas ang anim na sugatan sa nangyaring aksidente ng bus sa lungsod ng Maynila, kaninang pasado alas-9:00 ng umaga.

Kabilang sa mga ito ang driver at limang pasahero.

Isa sa kanila ang nagtamo ng matinding pinsala at isinugod sa Philippine General Hospital, habang ang limang iba pa ay dinala sa ospital sa Binondo.

Nangyari ang aksidente sa kahabaan ng taft Avenue, sa tapat ng Philippine Normal University (PNU).

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan na ito upang mabatid ang tunay na sanhi ng pangyayari.