-- Advertisements --

Sugatan ang anim na katao matapos ang naganap na ethanol chemical leak na nagresulta sa pagsabog sa Barangay San Antonio, Makati City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) naganap ang insidente ng 5:20 ng hapon sa Globe Tech School.

Dinala sa pagamutan ang tatlong mga biktima habang ang tatlong iba pa ay nakauwi na.

Umabot ng halos dalawang oras bago ideklara ng mga otoridad na ligtas na ang lugar.