-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patuloy na iniimbestigahan ng GenSan Traffic Management Unit ang nangyaring karambola ng limang sasakyan sa Conel Road Diversion nitong lungsod na nagresulta sa pagkakasugat ng anim katao.

Base sa kuwento ng ilang biktima sa aksidente, nakahinto raw sa kanto ang isang tricycle, gayundin ang single motor at pick-up na pula, para magbigay-daan sa isa pang pick-up na kulay gray galing ng Barangay Mabuhay, GenSan.

Ngunit isang itim na kotse umano ang biglang sumulpot at nag-overtake sa pick-up na bigla namang nagpreno kaya ito ay nabangga.

Sumirko pa ang kotse dahil sa lakas ng impact at nadamay ang mga naka-standby na mga sasakyan.

Sugatan ang anim na sakay ng traysikel na naisugod na sa pagamutan.