-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Sugatan ang ilang pasahero at driver nang magkarambola ang mga sasakyan sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya na mabilis umano ang takbo ng mga sasakyan habang binabaybay ang national highway sa Barangay Kilada Matalam Cotabato.

Unang binangga ng isang cargo truck ang isang sasakyan hanggang inararo pa nito ang mga kasunod at kasalubong.

Agad na nagresponde ang mga tauhan ng MDRRMO-Matalam at dinala ang mga sugatan sa pagamutan.

Madulas umano ang kalsada at umuulan pa kaya hindi kumagat ang preno ng mga sasakyan na sangkot sa vehicular accident.

Panawagan ng mga otoridad sa mga driver na mag-ingat sa pagmamaneho tuwing umuulan at siguraduhing nasa kondisyon ang sasakyan.