-- Advertisements --
Sugatan ang anim na katao matapos na matupok ng apoy ang Victorian seafront hotel sa England.
Nagmula ang sunog sa basement ng Eastbourne Claremont Hotel kung saan agad na inilikas ang mga tao doon.
Dinala rin sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.
Maging ang mga naninirahan sa The Pier Hotel ay inilikas din.
Aabot sa 60 na bumbero at 12 firetrucks ang nagtulong-tulong sa pag-apula ng sunog.
Inaalam na ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.