KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pagsabog ng bagong doubler decker husky bus habang nakaparking sa Isulan Integrated Public Terminal, along national highway, Brgy. Kalawag 2, Isulan, Sultan Kudarat alas-12:20 kaninang tanghali.
Ito ang kinumpirma ni Mr. John Fabiana, dispatcher ng Husky Bus Tours sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Kinilala ang anim na mga sugatan na sina:
- John Ruskin Dela Cruz y Atentar 15 years old of Calumpang Gen San City
- Jeffrey Dela Cruz y Atentar 14 years old of Calumpang General Santos City
- Javiren Batican y Atentar,13 years old of Alabel Sarangani Province.
- Edgar Perez Cochoco 56 years old, of Malabang, Lanao del Sur
- Ramsiya Ibad Alilayah 60 years old of Apopong, General Santos City
- Nur Fatima Deocampong Maca-antao, 25 years old, Marawi City.
Ayon naman sa Isulan PNP,sumabog ang hindi pa malamang Improvised Explosive Device (IED) sa loob mismo ng Husky Bus na may plate number na NCD 4383 at Body No. 7388.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo News team kay John Ruskin, isa sa mga biktima, labing-anim sila na sakay ng bus mula General Santos City at papunta sanang Cotabato City.
Huminto ang bus sa terminal sa Isulan upang makapananghalian ang driver, conductor at mga pasahero ngunit nagulat umano sila at hindi inaasahan ang pangyayari dahil sobrang bilis ng pagsabog.
Sa ngayon, ginagamot na sa Sultan Kudarat Provincial Hospital ang mga biktima na halos tinamaan ng shrapnels.
Inaalam pa ng EOD Team kung anong uri ng eksplosibo ang sumabog at kung sino ang may kagagawan nito.
Naka-kordon naman ang lugar kung saan sumabog ang husky bus habang hinigpitan na ang seguridad sa lugar.
Agad naman na itinaas ng pulisya ang alerto matapos ang pagsabog.