-- Advertisements --

Aabot sa anim na katao ang sugatan matapos ang naganap na pagsabog sa isang bahay sa Austin, Texas.

Ayon sa Austin Fire Department, na dalawa sa mga sugatan ay nasa malubha at kritikal na kalagayan.

Nasugatan din ang dalawang bumbero na nagresponde sa nasabing insidente.

Aabot sa 20 kabahayan ang nadamay dahil sa pagsabog.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing pagsabog.