-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Anim na mga sibilyan ang nasugatan sa nangyaring pagsabog sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga biktima na sina Edres Lumambas, 51 anyos, maybahay niya na si Zahra Lumambas, 47, mga apo na sina Sipaw Lumambas, 11 anyos, Mansur Lumambas, 5, mga kamag-anak na sina Maikel Kadil, 20 at Nasrudin Biya, 36,mga residente ng Brgy Bagoenged Pagalungan Maguindanao.

Ayon kay Edres Lumambas na habang natutulog sila ay bigla lamang tumama sa atip ng kanilang bahay ang isang 40 MM high explosives o bala ng M79 grenade launchers.

Dahil sa lakas ng pagsabog ay nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima.

Ang mga nasugatan ay agad dinala sa pagamutan at nasa ligtas ng kalagayan.

May itinuro ng mga suspek at pamilya ni Lumambas na kanilang pinagdudahan na may kagagawan sa insidente.

Nanawagan naman ang mga residente sa hangganan ng Pikit North Cotabato at Pagalungan Maguindanao sa pamahalaan na silay matulungan dahil hanggang ngayon ay patuloy na naggigirian ang dalawang magkaaway na grupo at marami ng sibilyan ang lumikas.