-- Advertisements --

Sugatan ang nasa anim na katao matapos ang naganap na pamamaril sa Florida State University.

Dinala ang mga ito sa Tallahassee Memorial HealthCare kung saan isa ang nasa kritikal na kalagayan habang ang lima ay nasa seryoso ang kalagayan.

Hawak na ng mga otoridad ang suspek na responsable sa nasabing pamamaril.

Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa insidente.