-- Advertisements --

Sugatan ang anim na katao matapos ang naganap na pananaksak sa train station sa Paris.

Ayon kay French Interior Minister Gerald Darmanin naganap ang insidente sa Gare Du Nord station kung saan nag-amok ang isang lalaki.

Gamit nito ang improvised na panaksak at pinagsasaksak ang mga taong nakasalubong sa train stations.

Binaril naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek at ito ay nasa kritikal ang kalagayan nito.

Kabilang sa nasaksak ang isang security agent na nagtatrabaho bilang rail operator at miyembro ng French border police.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa insidente.