-- Advertisements --
Borongan Eastern samar

TACLOBAN CITY – Patay ang anim na mga sundalo samantalang 20 naman ang sugatan sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Bangon, Brgy Pinanag-an, Borongan City sa lalawigan ng Eastern Samar.

Kinilala ang mga nasawi na sina Sgt Rex C Jadulco, Cpl Ronaldo Go, Cpl Limar Banug, Pfc Kent Loyd Agullo, Pvt. Charlie Del Rosario, at Pfc Junmar Buranday.

Ayon kay Capt. Reynaldo Aragones, tagapagsalita ng 8th Infantry Division, aabot sa 50 mga NPA ang nakaengkwentro ng militar kung saan umabot 30 minuto ang naging palitan ng putok sa dalawang panig.

Maliban dito anim namang mga improvised explosive devices (IED) ang sumabog bago ang nangyaring engkwentro.

Narekober naman ng mga otoridad ang bangkay ng isang NPA habang hindi pa matukoy kung ilan ang sugatan at patay sa mga tumakas na na rebelde.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang operasyon ng mga otoridad ukol sa nasabing insidente.

kinilala na rin ang mga sugatan mula sa Charlie Company ng 14th Infantry Battalion na sina Sgt Kenneth John Arcina, Sgt Cyril Baja, Sgt Rando Soria, Pfc Albert Abegonia, Pfc Denmark Gonsaza, Pfc Dandreb Gealon, Pfc Riel Bilason, Pfc Gilbert Renegado, Pfc Rex Batis Jr., Pfc Jerwin Omrob, Pvt Darwin Aborquez, Pvt Joshua Pacuan at Pvt Roger Moore Ditche.

Sa panig ng Alpha Company ang mga sugatan naman ay sina Sgt Marlon Orsal, Cpl Dominador Antonio Jr., Cpl Aljon Aguillos, Cpl Linlito Donayre, Pfc Mark Geric De Leon, Pfc Rene Abuda at Pvt Jayson Beros.

14TH IB SOLDIERS ORAS EASTERN SAMAR
Headquarters of 14IB in Brgy Dao, Oras, Eastern Samar (file photo)