-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patay ang anim na sundalo habang siyam naman ang sugatan sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga militar at mga teroristang New People’s Army (NPA) sa Brgy. Beri, Calbiga, Samar.

Ayon kay Capt. Reynaldo Aragones, Chief ng Division Public Affairs Office ng 8th Infantry Division, nakatanggap sila ng report na may ginagawang extortion activities ang mga rebelde kaya’t agad silang rumesponde.

Habang nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga sundalo ay bigla silang hinagisan ng landmine ng mga rebelde.

Umabot ng halos apat na oras at limang minuto ang naging bakbakan ng tropa ng militar at rebeldeng grupo.

Sugatan sa naturang engkwentro sina Sgt. Gilbert Benito Jr, CPL Reymart Vigilia, PFC Darwin Magoncia, PFC Mark Kevin Frigillana, PFC Joseph Salonga, at PFC Rex Español.

Kinilala naman ang mga namatay na sundalo na sina CPL. Junurimbran Mamalo, Cpl. Edgar Abing, PFC Arthur Garcia, PFC Rufino Paster, PVT Danilo Constantino, at PVT Elben Lagrimas.

Nabatid na lahat ng naturang mga sundalo ay mula sa 46th Infantry Battalion na nakabase sa Brgy. Polangi Calbiga, Samar.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang hot pursuit operation ng mga otoridad tungkol sa nangyaring engkwentro.