-- Advertisements --

Zamboanga City – Patay ang anim pang mga myembro ng Abu Sayyaf Group sa patuloy na mga serye ng Engkwentro ng militar sa mga area ng Brgy Kabbuntakas, Patikul Sulu at Brgy. Silangkan sa munisipyo ng Indanan, Sulu kung saan ilan sa mga pwersa ng kasundaluhan ang nasugatan.

Kabilang sa mga nasawi sa dalawang magkakahiwalay na engkwentro si alyas Sibih Pisih, isang ASG subleader sa ilalim ng pamumuno ni Radullan Sahiron, at lima pang mga myembro ng Abu Sayyaf at narecover sa posesyon ng mga nasawi ang isang M653 Rifle, isang Barret Sniper rifle, tatlong .45cal pistols, sari saring mga bala, magazine at limang cellphones.

Matatandaang si Sibih Pisih ay isa sa mga pangunahing Sub Group leaders ng ASG bago nahati sa Dalawang Faction ang nasabing grupo.