-- Advertisements --

Naaresto na ng mga kapulisan sa Hong Kong ang anim na suspeks na nasa likod ng pang-aatake sa mga nagsagawa ng mapayapang kilos protesta.

May edad mula 24-54 ang mga naarestong kalalakihah na siyang sinasabing nanakit sa mga protesters sa MTR Station nitong nakalipas na Linggo.

Inaalam pa ng mga otoridad kung konektado ba ang mga ito sa triad criminal gangs.

Nauna rito maraming mga nasugatan nang lusubin ng ilang grupo ng kalalakihan ang mga nagsagawa ng mapayapang kilos protesta sa Hong Kong.