Inaasahang gagamit na ng anim na tunnel boring machine bago matapos ang 2024 para lalong mapabilis ang pagkakumpleto ng Metro Manila Subway Project (MMSP).
Ang naturang proyekto ay isang mega railway system na pinunduhan ng pamahalaan ng Japan.
Ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista, nasa ‘full blast’ na ang konstruksyon sa pinakaunang underground railway ng Pilipinas.
Ayon sa kalihim, dati nang nakipag-ugnayan ang DOTR sa pamahalaan ng Japan upang dagdagan pa ang mga boring machine para mapabilis ang ang konstruksyon ng naturang proyekto.
Maaari aniyang magkaroon na ng hanggang 19 boring machine sa mga susunod pang mga taon.
Ginagamit ang mga boring machine sa paghuhukay sa mga tunnel.
Para sa gagamiting tunnel, tinatayang makakapaghukay ng hanggang 711,000 cubic meters ng lupa.
Ang Metro Manila Subway ay inaasahang magko-konekta sa mga lungsod ng Valenzuela, ParaƱaque City, Pasay, at Quezon.
Kung makukumpleto, inaasahang magagamit ito ng hanggang sa 370,000 na komyuter araw-araw.