BUTUAN CITY – Pursigido ang probinsya ng pamahalaan ng Surigao del Norte na kasuhan ang anim na mga taga-Luzon na nakapasok sa naturang lalawigan sa kabila na kasama ang kanilang lugar sa NCR Plus bubble.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni provincial administrator Sim Castrence, na nalusutan sila sa nasabing mga indibidwal gamit ang pekeng RT-PCR negative result sa kabila ng mahigpit na border control.
Ayon kay Castrence, nais ni Governor Francisco “Sol” Matugas na kakasuhan ang nasabing mga indibidwal upang maleksyunan lalo na’t nakatira sila sa mga lugar na pasok sa NCR+ bubble gaya ng National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Sa ngayon nasa quarantine facility sila habang inaantay ang resulta ng kanilang swab test.
Kahit magnegatibo man sila ay tuloy pa rin ang pagsasampa sa kanila ng kaso.
Nababahala ngayon ang provincial government sa paglusot ng naturang mga indibidwal, dahil malaki umano ang posibilidad na nakapasok na rin sa kanilang lalawigan ang ibang variant ng COVID-19.