-- Advertisements --

KALIBO CITY – Pormal ng nai-turn over ang anim na unit ng electric All Terrain Vehicle (ATV) sa mga enforcers at responders sa isla ng Boracay.

Pinangunahan nina Malay Acting Mayor Frolibar Bautista, People’s Republic of China Liaison Officer Peter Tay at chief executive officer ng Boracay Fire Rescue and Ambulance Volunteers (BFRAV) na si Leonard Tirol ang paggawad ng mga sasakyan.

Dalawa sa electric ATV ay ibinigay sa Bureua of Fisheries and Aquatic Resources, habang tig-isang unit ang Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Malay Auxiliary Police at Beach Guard.

Pinasalamatan naman ito ng nasabing mga tanggapan lalo pa at malaking tulong anila ito sa pagpapatupad ng patakaran at regulasyon sa isla gayundin na mas pang mapalakas ang police visibility at pagpatrolya sa beachline ng Boracay.

Maliban sa mga electric ATV, inaasahang magbibigay pa ang China ng jet ski sa 2020.