Lumapag sa Estonian air base ang anim na F-15 fighter jets ng US.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagpapalakas ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) translantic military alliance ng dahil sa tension na nagaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon sa tagapagsalita ng Amari air base sa Estonia na magtatagal ng hanggang sa susunod na linggo ang nasabing mga eroplano.
Papalakasin ng mga F-15 fighters ang Baltic Air Policing mission ng NATO.
Ang Baltic countries kasi na kinabibilangan ng Estonia, Latvia at Lithuania na minsan na kinontrol ng Russia pero ngayon ay bahagi na ng NATO at European Union.
Nakatakda ring magpadala ng apat na F-16 fighter jets ang Denmark malapit sa Lithuanian airbase sa Siauliai.
Magugunitang kahit na naglagay ng nasa 100,000 na sundalo ang Russia sa border nila ng Ukraine ay itinanggi nila na sila ay lulusob.