-- Advertisements --

Nakapagtala ng anim na volcanic eartquakes mula sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa latest bulletin mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong araw, naglabas ng moderate emission ng plumes ang bulkan na may 100 metro ang taas at napadpad sa hilagang direksyon.

Naitala din ang nasa 374 tonelada ng sulfur dioxide na ibinuga ng bulkan.

Patuloy na paalala pa rin ng Phivolcs na ipinagbabawal pa rin ang pagpasok 4km radius mula sa permanent danger zone at pagpasok ng walang pag-iingat sa extended danger zone.

Gayundin striktong ipinagbabawal ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa posibleng biglaang steam-driven o phreatic eruptions ng bulkan.