-- Advertisements --
Nakapagtala ng tig-6 na volcanic earthquake sa bulking Taal sa nakalipas na 24-oras base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Nagtagal ang naturang aktibidad sa bulkang Taal kabilang ang 5 naitalang volcanic tremors ng 4 hanggang 5 minuto.
Nagbuga din ng mahinang plume ang bulkan na may taas na 600 metro na napadpad sa kanluran-timog-kanlurang direksiyon.
Una na ngang nakapagtala ng minor phreatomagmatic eruption ang bulkan noong araw ng Martes, subalit nananatili pa rin ito sa Alert Level 1.
Patuloy naman na ipinagbabawal ang pagpasok sa bulkang Taal island na ikinokonsiderang permanent danger zone at ang pagpapalipad ng sasakyang panghimpapawid malapit sa tuktok ng bulkan.