CEBU CITY – Hinihintay na lang ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG)-Danao ang marine protest ng kapitan ng MV Mika Mari-IV matapos ang insidente noong Lunes kung saan nahulog ang isang 6-wheeler truck na may kargang 400 sako ng mais sa dagat mula sa RoRo vessel.
Ayon kay PCG-7 spokesperson Ltjg. Michael Encina sa panayam ng Bombo Radyo Cebu, una muna nilang sinuspinde ang biyahe ng naturang vessel hanggang sa makapagbigay ng marine protest ang kapitan.
Nilinaw naman nito na walang kinalaman ang insidente sa bagyong Falcon dahil kahapon ay malinaw naman ang dagat at wala ring gale warning.
Naniniwala ang PCG na human error ang sanhi ng aksidente.
Lunes ng hapon nang mahulog ang naturang truck sa dagat mula sa ramp ng RoRo Vessel ng isasakay nga sana dahil na naputol ang lubid na nakakonekta sa RoRo at sa pantalan.
Napaatras ang roro at tuluyang bumagsak sa dagat kasama karga nitong 400 sako ng mais.
Mabuti’t nailigtas naman ang driver at mga sakay nito habang 200 nalang na mga sako ang narecover.