-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nadamay at nasawi ang isang 6 years-old na batang babae sa nangyaring pamamaril sa Fil-Am Road Barangay Fatima General Santos City.

Kinilala ang biktima na si alyas Precious na timaan ng bala matapos na binaril ng motorcycle riding criminal ang biktima na si Dante A. Macasalong, nasa hustong gulang na residente Olarte Village Barangay Labangal nitong lungsod habang minamaneho nito ang tricycle.

Sa naturang pamamaril ay sugatan din ang iba pang dalawang pasahero.

Habang kaninang umaga, naiulat din ang pamamaril sa Purok San Vicente, Barangay San Isidro, GenSan kasunod ng pagpasok umano ng informal settlers sa 12 ektaryang lupain ng pamilyang Alaidin.

Ito ang kinumpirma ni PCol. Jomar Alexis Yap, Acting City PNP Director sa GenSan City Police Office at sinabing may naiulat na mga sugatan ngunit patuloy pa nilang bineberepika.

Una rito noong isang araw ay binaril patay ng di kilalang mga suspect ang isang Jerry Alquizar, 55 taong gulang na taga Purok Alquizar Barangay Apopong ng lungsod.

Nangyari ang pamamaril habang nakipag-inuman ito kasama ang kaibigan na nadamay rin matapos natamaan ng bala sa kanyang balikat.

Ayon kay Col. Yap, mahigpit ng tinututukan ng GenSan Police ang serye ng mga shooting incident upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.