-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Sumisigaw sa ngayon ng hustisya ang pamilya ng anim na taong gulang na batang babae na pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay matapos matagpuan sa gilid ng ilog sa Brgy. Bambad, Isulan, Sultan Kudarat.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay alyas Efren, ama ng biktima, kagabi pa nawawala ang anak nito ngunit kaninang pasado alas-8 lamang ng umaga natagpuan ang wala nang buhay niyang anak.

Ayon kay Efren, nakababa na ang maong short at underwear ng biktima ng matagpuan ito.

Isinalaysay nito na bumisita sila sa kanilang mga kamag-anak sa Purok Lupok, Brgy. Kolambog, Isulan upang dumalo sa isang pagtitipon ngunit kinagabihan hindi na nila nakita pa ang biktima.

May pinagdududahan na umano ang pamilya sa kung sino ang responsible sa krimen ngunit ipnagkakatiwala na nila ito sa mga otoridad.

Sa ngayon, isinailalim na sa autopsy ang bangkay ng biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad.