CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang lalaki sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Florencio Gonzales De Guzman, 60 anyos at residente ng Barangay Fortpikit,Pikit North Cotabato.
Ayon kay Pikit Chief of Police,Captain Mautin Pangandigan na bumili lamang ng pagkain ang biktima sa Usman Carenderia sa Brgy Poblacion Pikit Cotabato ng bigla itong lapitan ng isang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama sa gilid ng national highway.
Agad dinala ang biktima ng mga nagrespondeng pulis sa Cruzado Medical Hospital ngunit binawian rin ito ng buhay nang magtamo ng tama ng bala sa likod.
Hustisya naman ang sigaw ng pamilya ng biktima na mabait raw ito at walang kaaway o atraso.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa pamamaril patay sa biktima.