Tinanggap ng Local Amnesty Board ng National Amnesty Commission at ipoproseso na rin ang 62 na aplikasyon para sa amnestiya na natanggap nito sa mga dating kasapi ng rebeldeng teroristang New Peoples Army.
Katuwang ng komisyon ang 6th ID, limamput-lima (55) dito ay personal na nagsumite habang lima (5) naman ay nakakulong habang pito naman ang nagsumite via representative.
Karamihan sa mga nagsumite ng aplikasyon ay mga kasapi ng IP Communities na mula pa sa Sultan Kudarat at South Cotabato.
Sa panayam naman kay Amnesty Commissioner Atty. Nasser Marohomsalic na ang aplikasyon ng mga dating rebelde ay pagpapakita ng kanilang tiwala sa programang amnestiya ng pamahalaan na isa rin sa mga hakbang sa pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao.
Bukas ang kanilang tanggapan sa pagtanggap at pagproseso sa lahat ng aplikasyon ng lahat ng kasapi ng rebeldeng grupo na saklaw ng Amnesty Proclamation at umaasa sila na marami pa ang magbalik loob sa pamahalaan.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng process orientation sa ibat ibanh kamo ng rebeldeng grupo at army batallion na humahawak sa mga dating rebelde ang komisyon.
Batay sa Proclamation Number 404 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noon pang nakaraamg taon, maaring makakuha ng amnestiya mula sa pamahalaan ang lahat ng dating kasapi ng rebeldeng grupo at kanilang mga front organizations.