-- Advertisements --
Pumalo sa 84 ang bilang ng mga naaresto sa Metro Manila dahil sa vote buying, ayon kay Manila police chief Guillermo Eleazar.
Sinabi ni Eleazar nitong araw na 60 sa naturang bilang ay mula sa lungsod ng Makati.
Kabilang aniya sa mga naaresto sa police operations laban sa vote buying ay pawang mga barangay officials.
Sinabi rin nito na sa naturang bilang, walo ay vote buyers habang 52 naman ang vote sellers.
Ang nakaka-alarma ayon kay Eleazar ay 60 sa naarestong indibidwal dahil sa vote buying ay nagmula lamang sa Barangay Isidro.