-- Advertisements --
Iginiit ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na pansamantala lamang na nakuha ng Russian forces ang 42 mga lugar sa silangang bahagi ng Ukraine.
Umabot na sa 60 billion dollars ang physical damage ng mga building sa Ukraine at infrastructures mula sa pananalakay ng Russia.
Ayon kay Zelensky, nangangailangan ang Ukraine ng 7 billion dollars kada buwan upang makabawi sa economic losses dulot ng pananalakay ng Russia.
Magugunitang, patuloy na hinaharangan ng Russian forces ang Kharkiv.
Nauna ng sinabi ng Ukraine na sinira nito ang 15 sasakyang panghimpapawid ng Russia sa nakalipas 24 na oras.