-- Advertisements --

Kinumpirma ng Lebanese Health Ministry na nasa 60 katao ang napatay sa inilunsad na mga pag-atake ng Israel sa eastern Bekaa valley sa Lebanon.

Ayon sa mga opisyal, kabilang ang 2 bata sa napatay sa strikes na tumama sa 16 na lugar sa Baalbek region.

Ayon sa Ministry, nasa 58 indibidwal ng nasugatan, kung saan patuloy ang isinasagawang rescue efforts sa valley na kuta ng militanteng Hezbollah.

Sa ngayon hindi pa naglalabas ng komento ang Israel military kaugnay sa naturang pag-atake.

Samantala, tinawag naman ni Baalbek governor Bachie Khodr ang naturang mga pag-atake bilang pinakabayolente simula noong nakalipas na buwan sa conflict sa pagitan ng Israel at Hezbollah.

Matatandaan na nasa libu-libong air strikes na ang inilunsad ng Israel sa Lebanon sa mga nakalipas na 5 linggo target ang mga operatiba, imprastruktura at mga armas ng Hezbollah.