-- Advertisements --

Kinumpirma ng Joint Task Force Marawi na nasa 60 mga dating pinagkukutaan ng teroristang Maute ang kanila ng na clear sa loob lamang ng 48 oras.

Paliwanag ni Joint Task Force Marawi at 1st ID spokesperson Lt. Col. Joar Herrera ito yung mga buildings na inoccupy ng teroristang grupo.

Dahil dito sinabi ni Herrera na paliit na ng paliit ang area na pinagtataguan ng teroristang grupo.

Pagtiyak ni Herrera  na lahat ng kanilang mga capabilities ay kanilang ginagamit para malinis na ang Marawi mula sa presensiya ng teroristang Maute.

Inihayag ng opisyal nba nasa higit 500 pang mga building sa Marawi ang kailangang i clear ng militar.

Giit ni Herrera na maingat din ang mga sundalo sa kanilang ginagawang clearing operations baka may mga IED na nakatanim sa paligid.

Inihayag ng militar na nagpapakita pa rin ng resistance o lumalaban pa rin ang teroristang grupo sa mga sundalo.

Ibinunyag ni Herrera na mayroon pa ring machine gun ang Maute, maging yung kanilang mga snipers.

Ipinagmamalaki naman ng militar na nasa 500 mga armas na ng Maute ang kanilang narekober.

Sa ngayon nasa 60 hanggang 70 na lamang ang pwersa ng teroristang Maute sa Marawi City.