-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Matagumpay na nakapagtapos sa joint peace and security teams basic military training Class 81-82-2021 ang 60 na mga combatants mula sa apat na iba’t ibang na front Commander ng MILF at ibang base Commander na ginanap sa kampo ng 38IB sa Barangay Taviran sa bayan ng DOS,Maguindanan.

Sa panayam ng Bombo Rayo Koronadal kay MILF Spokesperson Von Alhaq, na sumailalim ang mga trainees sa 45 ka araw na training bago maka pasok sa bago pa din na 45 days na training bangi magin kasapi ng Joint Peace Security Team o JPST.Dinalohan rin ang naturang aktibidad ng ilang mataas na opisyal ng MILF at AFP.

Ang Joint Peace and Security Teams o JPST ang pinagsanib pwersa mula sa BIAF, AFP, at PNP binuo ito upang panatilihin ang kapayapaan na napagkasunduan ng GPH MILF o Rahib Bansao lalo na sa mga lugar na sakop ng BARMM.