-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa 60 na mga Persons Who Used Drugs o PWUDs ang nagpapatuloy na naka-enroll sa Community Based Drug Rehabilitation Program sa Kabacan Cotabato.

Ayon kay CBDRP Focal Person Honey Joy Cabellon, mayroong 10 barangay ang sumailalim sa nagpapatuloy na CBDRP ng bayan.

Hiniling din nito sa mga PWUDs na isapuso ang aktibidad lalo pa’t ito ay hindi para sa lokal na pamahalaan bagkus ay para ma-clear ang mga pangalan nito.

Hinimok ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa mga hindi pa tumitigil sa masamang bisyo na magbago na habang hindi pa huli ang lahat.