CAUAYAN CITY– Tinatayang nasa 60% na ang naideklarang drug cleared and drug free ang Isabela sa isinasagawang drug clearing operation ng IVAC (Isabela Vonlunteers Against Crime).
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Ismael Atienza, chairman ng IVAC pinakahuling naideklarang drug cleared ay ang bayan ng San Guillermo na masusundan ng Aurora, Angadanan, Luna, San mateo, Burgos.
Aniya Puntirya rin ng IVAC ang 80% sa mga bayan sa lsabela ang kanilang maideklarang drug free at drug clear bago bumaba sa kanyang termino bilang gobernador si Gov. Bogie Dy.
Dagdag pa ni IVAC Chairman Atienza na nakatakdang magsumite ng kanilang report ang lahat ng mga hepe ng pulisya sa mga bayan ng lalawigan bago ang nakatakdang State of The Provincial Address ni Gov. Dy.
bagamat marami na ang kanilang mga nahuhuli na may kaugnayan sa iligal na droga ay marami naman umanong mga nagtutulak ng droga ang lumipat sa pagtutulak ng marijuana kung saan pangunahin pa rin ang mga bayan ng Ifugao at Kalinga na pinagmumulan ng Marijuana na ibinebenta sa Santiago City at iba pang lugar sa lalawigan.
Hindi naman mapapabilang ang Santiago City sa mga tututukan ng IVAC dahil sa Independent City umano ito at tanging ang Regional Office lamang ng PDEA ang maaaring magsiyasat at mag deklara ng drug free at drug cleared sa nasabing lungsod.