-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang paghahanap ng sa nasa 60 mga pasahero ng 2 bus na tinangay ng landslide sa Nepal.

Ayon sa mga otoridad na dahil sa walang tigil na pag-ulan ay inanod patungong ilog ang nasabing mga bus.

Nangyari ang insidente nito umaga ng Biyernes sa Chitwan sa Narayanghat-Mugling highway o may 100 kilometro ang layo mula sa capital na Kathmandu.

Mayroong dalawang biktima ang nakaligtas sa insidente.

Nanawagan na si Prime Minister Pushpa Kamal Dahal sa lahat ng mga ahensiya na gobyerno nito na magtulungan para sa agarang mahanap ang mga biktima.