Lumalabas sa survey mula sa Social Weather Stations (SWS) na majority o 60% ng mga Pilipino ang pabor sa SIM Card Registration law.
Mula sa survey ng SWS nasa 17% ng respondents naman ang tutol habang nasa 23% ang undecided.
Sa 60%, 32% dito ang strongly approve habang nasa 29% naman ang bahagyang aprubado ang naturang batas.
Isinagawa ang naturang survey sa pamamagitan ng face to face interview sa 1,500 adults sa buong bansa sa pagitan ng Setyembre 29 hanggang Oktubre 2 o isang linggo bago lagdaan ng Pangulo ang naturang batas noong Oktubre 10.
Nauna ng tiniyak din ng Pangulo na ang lahat ng impormasyon sa Sim registration ay mananatiling confidential maliban na lamang kung ang pag-access sa naturang mga impormasyon ay pinahintulutan sa pamamagitan ng written consent ng subscriber.