Nakauwi na sa Pilipinas ang 60 overseas Filipino workers na naipit sa giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.
Dumating ang pinakamalaking bilang ng Filipino returnees mula sa Israel na ang-avail ng voluntary repatriation ng pamahalaan sa may Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 nitong hapon ng Huwebes lulan ng Etihad Airlines flight Ey424.
May isa namang OFW na naiwan at hindi nakasama sa flight matapos na magkasakit. Dinala na ang Pinay worker sa ospital ng mga opisyal ng Ph Embassy at Migrant Workers Office sa Abu Dhabi para magamot at sa obserbayon.
Papauwiin ito ng bansa sa oras na ideklara ng medical authorities na maaari na itong bumiyahe pabalik ng PH.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa kabuuang 880 OFWs ang na-repatriate mula sa Israel-Hamas war.