-- Advertisements --
Patay ang 60 katao at marami ang nasugatan sa pagsabog sa isang minahan sa southwest Burkina sa West Africa.
Dahil sa pagsabog ay maraming mga punong kahoy ang nagtumbahan sa Poni province.
Sinabi ni Poni’s high commissioner Antoine Doumba na kanilang inaalam pang mabuti ang sanhi ng nasabing pagsabog.
Ang nasabing lugar aniya ay madalas na inaatake ng mga Islamist groups na nais na kontrolin ang mga minahan.
Magugunitang noong Hunyo ng nakaraang taon ay inatake ng militia ang minahan sa Yangha province na ikinasawi ng halos 200 katao.