-- Advertisements --
Naglagay na ng 60 satellites sa kalawakan ang SpaceX bilang pagsisimula ng kanilang megaconstellation na maaaring magbigay ng murang broadband sa mundo.
Ang unang dedicated mission para sa SpaceX internet constellation ay tinawag na Starlink na nagsimula noong umarangkada ang Falcon 9 mula sa launchpad sa Cape Canaveral Air Force Station.
Pagkatapos naman ng isang oras ay lumipad ang payload stack na humahawak ng 60 satellites at paunti-unting inihulog ang individual satellites sa orbit.
Hindi naman binanggit ng Space X kung gumagana ba lahat ang mga satellites matapos na ito ay ilunsad sa kalawakan.