-- Advertisements --
mali
Mali Map

Patay ang 25 sundalo sa Mali habang 60 iba pa ang nawawala matapos ang pag-atake ng mga militants sa sa dalawang army camps.

Muli kasi nabawi ng mga security forces ang Boulkessi at Mondoro malapit sa border mula sa mga insurgents.

Mayroon ding 15 mga militants ang napatay sa palitan ng putok sa gobyerno.

Kadalasang inaatake ng Separatists at al Qaeda-linked insurgents ang military outpost sa West African nation.

Huling atake ay noong Hunyo kung saan 40 ang nasawi sa dalawang lugar sa nasabing bansa.