-- Advertisements --

BOMBO BUTUAN – Tinatayang aabot sa 600 hanggang 1,000 mga overseas Filipino workers o OFWs sa Switzerland ang dadalo sa ‘Meet and Greet’ kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ngayong Biernes ng alas-dies ng umaga, oras ng Switzerland habang alas-singko ng hapon naman, oras dito sa Pilipinas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent Eppie Balagasay-Laschinsky, coordinator ng Filipino Community sa Switzerland sa naturang event, umaasa silang mga OFWs na ang pagdalo ni Pangulong Marcos sa World Economic Forum ay syang daan upang mas mapalago pa ang ating ekonomiya at pakikipag-kalakalan sa iba pang mga bansa.

Dagdag pa ni Laschinsky, magiging daan din ito upang maipa-abot ng pangulo sa mga dadalong world leaders ang mga dapat pang gawin tungo sa mas ika-uunlad pa ng ating bansa pati na sa kabuhayan ng mga Filipino lalo na’t dadalo ang mga malalaking investors mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa ngayon, aabot na sa mahigit 25,000 na mga registered Filipinos ang nagtatrabaho at nakatira ngayon sa naturang bansa.