-- Advertisements --

Nasa 600 na mga medical workers ang dinapuan ng COVID-19 kahit na sila ay naturukan na ng 2 doses ng Sinovac sa Thailand.

Ayon sa health ministry ng Thailand sa kabuuang 677,348 na medical personnel na naturukan na ng dalawang doses ng Sinovac ay 618 ang dinapuan ng nasabing virus mula Abril hanggang Hulyo.

Mayroong isang nurse ang nasa kritikal na kalagayan habang ang isa naman ay nasawi.

Dahil sa pangyayari ay pinag-aaralan ngayon ng Health ministry sa nasabing bansa na magbigay ng booster doses para mapataas lalo ang immunity.