DAVAO CITY – Isinailalim ang mahigit kumulang 200 na mga drivers at conductors ng DCOTT sa surprise drug test kaninang umaga.
Napag alamang simultaneous operation ang ikinasang surprise drug test sa lahat ng terminal sa rehiyon Onse.
Sa gmall terminal Davao City, nasa 100 na mga drivers at konduktors ang isinailalim sa drug test, 200 sa tagum, at isang daan sa digos. Kaya sa kabuuan nasa mahigit kumulang 600 ang bilang ng mga isinailalim sa test.
Layunin ng nasabing aktibidad na maseguro ang ligtas na biyahe nga mga bakasyonista ngayong semana santa.
Sineguro naman ni Director III Naravy Duquitan, RD sa PDEA XI sa publiko ang ligtas na biyahe lalo pa at hindi impluwensyado sa pag gamit gg illegal na droga ang mga driver.
Sa kabilang dako kapagka may magpositibo na driver sa Oplan Harabas, hindi na ito pahihintulotan pa na bumiyahe habang hinihintay pa ang result sa confirmatory test at kung magpositibo ulit, saka pa ito itu-turn over sa LGU para sa Rehabilitation program.