-- Advertisements --

Dumating na sa bansa ang nasa 600 na overseas Filipino workers (OFW) mula sa Italy at Maldives na pinauwi dahil sa coronavirus pandemic.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) 336 dito ay mula sa Maldives na lulan ng chartered Philippine Airlines flight.

Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa tourism industry at mismong si DFA principal assistant Pete dela Fuente ang sumundo sa kanila dahil walang embassy doon.

Aabot naman sa 337 na mga seafarer OFW mula sa Italy ang dumating mula sa iba’t-ibang mga flights kung saan sila ay nagtatrabaho sa Costa Cruises ships.