-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot pa sa amin na raang PLDT subscribers ang naputulan ng linya matapos masunog ang multi-million storage facility ng telecommunication giant sa bahagi ng Suniel-Lerio Streets, Brgy Carmen, lungsod ng Cagayan de Oro.

Kung maalaala, umabot sa 20 oras ang pag-apula ng sunog sa bodega ng kompanya kung saan nahirapan ang mga bombero sa pagpatay ng apoy sa loob ng nasunog na storage facility kung saan naka imbak ang mga electronic wifi gadgets.

Malakas naman ang paniniwala ni BFP-Carmen Station commander SFO3 Samson Velarde na posibleng sinadyang sinunog ang pasilidad, at patuloy ang kanilang pangangalap ng ebidensya.

Kahapon binanggit ng BFP na umabot pa sa P111-Milyon ang inisyal na damyos nga sunog

Sa ngayon ipinasa na ng BFP-10 sa Bureau of Fire Manila ang kanilang report.